Saturday , November 16 2024

Closure, suspension orders vs minahan ipinatigil ng Palasyo

IPINATIGIL muna ng Palasyo, at ng Gabinete ang closure at suspension orders, ipinatupad ni Environment Secretary Gina Lopez, laban sa mga minahan sa bansa, sinasabing nakasisira ng kalikasan, at kakapiranggot ang naiambag sa kabangbayan.

Sa pahayag ng Department of Finance nitong Huwebes, pag-aaralan muna ng pambansang pamahalaan ang pasya ng kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinisiguro lamang anila ng pamahalaan ang “due process” sa pagpapasara sa halos 30 minahan, na sinasabing hindi nakasunod sa mga patakaran sa pagmimina, batay sa mining audit na isinagawa ng DENR.

“Members of the Cabinet have expressed their full support behind President Duterte’s decision to observe due process before implementing a directive of the DENR to shut down or suspend 28 mining sites across the country,” pahayag ng DoF.

Inianunsyo ni Secretary Lopez noong 2 Pebrero, ang resulta ng mining audit, nagpapakitang mahigit sa kalahati ng bilang ng mga malalaking minahan sa bansa, ay bumagsak sa patakaran ng DENR.

Agad nakialam ang Palasyo dahil sa rami ng mga maggagawang apektado ng hakbang ng DENR.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *