INILIBAN ng Sandiganbayan ang arraignment kay dating Commission on Elections (Comelec) chief Benjamin Abalos Sr.
May kaugnayan ang kasong kinakaharap ni Abalos, sa sinasabing maanomalyang pagbili ng mga sasakyan noong 2003, na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.
Ang arraignment na nakatakda kahapon, ay inilipat sa 27 Abril ng taon kasalukuyan, dahil maghahain si Abalos ng “motion for reconsideration” sa resolusyon ng korte sa kanyang kaso.
Ayon kay Abalos, mistulang sinadya ang pag-delay sa kanyang kaso.
Ngunit inilinaw, ng Sandiganbayan, nagsimula lamang ang kaso laban sa dating opisyal ng Comelec, nang maghain ng reklamo ang Field Investigation Office noong 13 Agusto 2013.