Sunday , October 13 2024
Sipat Mat Vicencio

Aroganteng mga komunista

UNTI-UNTING malalaos at mawawalan nang silbi ang makakaliwang grupo matapos ibasura ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang usa-pang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Inakala ng kampon ni Jose Maria Sison, pinuno ng CPP, na matatakot nila si Digong matapos ibasura ng New People’s Army (NPA) ang kanilang unilateral ceasefire. Ang hakbang ng NPA ay maituturing na isang pananakot  para mapilitan ang administrasyon ni Digong na ibigay ang mga kahilingan ng grupo.

Gusto kasi ng mga komunista na palayain lahat ng bilanggong politikal pero hindi ito pinagbigyan ni Digong, at sa halip ibinasura rin ng gob-yerno ang unilateral ceasefire na idineklara nito, at pagkatapos ay sinundan mismo ng deklaras-yon na kinakansela na niya ang usapang pangkapayapaan.

Ngayon, hindi malaman ni Joma kung ano ang kanilang gagawin para lamang mapabalik sa negotiating table si Digong. Pack up na, ‘ika nga!  At pinauuwi na ni Digong ang mga peace negotiators ng Filipinas at ipinaaresto pa ang lahat ng pinalayang political prisoners na bahagi ng National Democratic Front (NDF) peace panel.

Mga hambog at arogante kasi itong mga komunista! Ang akala nila ay malaking kawalan sila sa pamahalaan ng Filipinas. Kung tutuusin, ‘binuhay’ lang silang muli ni Digong nang pumasok ang pamahalaan sa usapang pangkapayapaan sa NDF.

Kahit sa mga kanayunan, hindi na pinaniniwalaan ang mga komunistang NPA. Tulisan na ang turing sa kanila at hindi na pinapansin ng mga taga-baryo. Kahit sa Samar province, walang patol ang NPA hindi katulad noon na ang respeto sa pulang mandirigma ay napakataas.

Matapos mahati ang CPP at sumulpot ang rejectionist at reaffirm group, tuluyan nang ‘numipis’ ang bilang ng grupo ni Joma. Maraming galit kay Joma lalo na nang lumaki ang tiyan nito sa kaiinom ng red wine kapiling ang magagandang babae sa kanyang pinagtataguang bayan sa The Netrerlands.

Kaya nga makikita ngayon ang mga legal front organization ng CPP na nagkukumahog at  nananawagan na bumalik ang pamahalaan sa negotiating table. Halatang mga pakawala ni Joma para palabasin na gusto ng mamamayang Filipino na matuloy ang usapang kapayapaan.

Sa totoo lang, ang tanging layunin ng CPP sa peace talks ay makakuha ng magandang kon-sesyon o pabor na pakikinabangan ng mga dogmatikong komunista.  Ang sinasabi nitong kapayapaan ay walang katotohanan. Ang ultimate objective ng kampon ni Joma ay magtagumpay sa  isang digmaang bayan para sa paglalatag ng isang lipunang patungo sa komunismo.

Hoy Joma, ilan ang pinatay mo sa Plaza Miranda bombing?!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *