Saturday , November 16 2024
construction

2 sugatan sa rambol ng construction workers

MALUBHA ang kalagayan ng dalawang construction worker makaraan masaksak nang magrambolan habang nag-iinoman sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi mga saksak sa likod ang biktimang si Marlon Bartolo, 29, at isa sa mga suspek na si Joselito Nabao, 35, may saksak din sa likod, kapwa stay-in sa Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod.

Habang agad naaresto ng mga barangay tanod sina Rodolfo Rosales, 29, at Joselito Pandoro, 31, habang ang kapatid na si Jesel Pandoro, 29, ay pinaghahanap ng pulisya, pawang stay-in sa naturang lugar.

Sa ulat nina PO3 Julius Mabas, PO2 Jose Romeo Germinal II, at PO1 Joenel Claro, dakong 4:00 am, habang nag-iinoman ang grupo nang biglang magrambolan sa hindi nabatid na dahilan, nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang construction worker.

Mabilis na humingi ng tulong ang foreman na si Raul Logos, sa mga barangay tanod, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *