Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Police official, kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalagayan  ng isang opisyal ng pulisya, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang lulan ng motorsiko sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Chinese General Hospital ang biktimang si Insp. Paul Dennis Javier,  41, residente sa Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila, nakatalaga bilang hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB), sa Malabon City Police.

Ayon  kay S/Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan City Police, patuloy ang follow-up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, at motibo sa insidente.

Batay sa ulat nina SPO4 Joel Montebon at PO3 Cesar Garcia, dakong 4:23 am, lulan ang biktima ng motorsiklo sa Rizal Avenue Extension kanto ng 2nd Avenue, Brgy.120 ng lungsod, nang biglang sumulpot ang mga suspek at siya ay pinagbabaril.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …