IPINAAARESTO ng Sandiganbayan si Ozamiz, Misamis Occidental Mayor Reynaldo Parojinog, Sr., at kanyang anak na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez, kaugnay ng kasong graft.
Ito’y makaraan ibasura ng Sandiganabayan 5th Division, ang hiling ng mag-ama na ibasura ang kasong isinampa sa kanila noong 2016, dahil sa sinasabing maano-malyang kontrata sa pagpapagawa ng isang public gymnasium.
Sinasabing iginawad ang kontrata para sa “renovation” ng Ramiro Gymnasium, sa Parojinog and Sons Contruction Company, sinasa-bing pag-aari ng pamilya ng alkalde at bise-alkalde.
Ayon sa Sandiganbayan, may sapat na ebidensiyang ipinasa ang state prosecutors para litisin ang kaso.
Magugunitang si Mayor Parojinog ay kabilang sa mga lokal na opisyal, na idinawit ni Pangulog Duterte sa kalakalan ng ilegal na droga.