HINDI pagbabawalan dumalo sa mga pulong ng gabinete ang mga opisyal ng administrasyon mula sa maka-kaliwang grupo.
Ito ang tiniyak kahapon ni Communications Secretary Anna Banaag, tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng mga progresibong miyembro ng gabinete kahit pa kanselado ang unilateral ceasefire ng pamahalaang Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).
“Like we said and like Secretary Bello has said and Spokesperson Abella has said in the past days, negotiations are open, Malacañang is open to all negotiations and as to members of the Cabinet who may be inclined — communist inclined or leftist inclined, they are open — they are still part of the Cabinet and they have the confidence of the President,” aniya.
Nauna nang sinabi ni NPA Spokesman Jorge ‘Ka Oris” Madlos na si Duterte naman ang nag-alok ng puwesto sa gabinete sa maka-kaliwang puwersa sa katuwiran na siya’y “leftist” at ang ginawa lang aniya ng NDFP ay nagrekomenda ng mga tao.
“Sabi ni Duterte, left siya, kaya nag-hire siya ng Left, that is his call. Siya naman ang nag-offer, nag- recommend lang naman ang NDF, so that is his call,” ani Ka Oris.