NAIS kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamahalaan ng India kaugnay sa isyu ng 5-6 lending operation sa bansa, karamihan sa sinasabing nagpapautang ay Indian nationals.
Aniya, nais niyang maging tapat, at prangkahan ang diskusyon sa mga opisyal ng India.
Sinabi ng Pangulo, sa ngayon plano ng pamahalaan, magbigay ng P1 bilyon pondo kada rehiyon ng bansa, puwedeng ipautang bilang business loan, ang pagpapautang ay gamit ang sistema na kung tawagin ay 5-6.
Magugunitang sa kasagsagan kampanya noong May 2016 elections, sinabi ni Duterte, kapag siya ang nanalong pangulo ng Filipinas, gusto niyang kausapin ang ambassador ng India, para talakayin ang naturang isyu.
Iginiit ni Pangulong Duterte, pahirap sa mga Filipino ang nasabing sistema ng pagpapautang.
“OK lang naman ‘yung magpahiram sila ng pera. But ang bagong style kasi nila, pahiramin nila ng pera ‘yung pobreng Filipino, tapos pabilhin pa nila ng refrigerator, mga appliances. So doblado ang kalbaryo ng mga Filipino,” ani Duterte.