PUMANAW na ang isa sa mga biktima ng sunog, sa isang Japanese factory sa loob ng Cavite Export Processing Zone, kamakalawa ng gabi.
Ito ang kinompirma ni Cavite Governor Boying Remulla kahapon.
Kinilala ni Remulla ang pumanaw na biktimang si Jerome Sisnaet, empleyado ng House Teachnology Industries (HTI), dumanas ng severe burns.
Pahayag ng gobernador, bandang 11:28 pm nang pumanaw ang biktima.
Si Sisnaet ay kabilang sa tatlong biktimang kritikal ang kondisyon.
Nasa 300 empleyado ng HTI ang dinala sa hospital dahil sa sugat mula sa sunog.
Samantala, inilinaw ng HTI management, walang mga bangkay sa loob ng factory.
“All accounted,” anila ang lahat ng kanilang empleyado