Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol patay, 2 sugatan sa sunog sa Las Piñas

PATAY ang isang sanggol habang dalawa ang sugatan makaraan matupok ang mahigit 100 bahay sa Las Piñas City nitong Lunes ng hapon.

Sa naantalang ulat ni FO3 Joel Pascua ng Las Piñas Bureau of Fire Protection, kinilala ang namatay na si Christian Jay Awitin, isang taon gulang, naiwanan sa loob ng nasusunog nilang bahay.

Habang sugatan sina Ronaldo Lamanilao, 50, at Alvin Castillo, 45-anyos.

Sa ulat ni Pascua, dakong 1:32 pm nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Joselito Cuaderno, inuupahan ng ina ni Christian na si Christine, 26, sa Satima Compound, Fatima Village, Brgy. Talon 2, Las Piñas City.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil magkakadikit ang mga bahay na pawang yri sa light materials, at nadamay ang ilang bahay sa kalapit na Woodsrow Subdivision.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …