Saturday , April 26 2025

‘Oplan Ahos’ kontra PNP scalawags

PAGPUPURGA sa kanilang hanay na mistulang “OPLAN Ahos” sa kilusang komunista noong dekada ‘80, ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) upang malinis sa scalawags ang pambansang pulisya.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PNP ang pinakatiwaling organisasyon sa pamahalaan, nasa kaibuturan na ng kanilang sistema ang korupsiyon.

“Kayong mga pulis, kayo talaga ang pinaka-corrupt. That’s why I said when I got elected, ‘Corrupt to the core kayo.’ It’s in your system because kayo lang kasi ang nakakapagpasyal outside. Given the power to enforce the law and to arrest persons. Ginamit ninyo iyan sa kalokohan,” aniya.

Imbes aniya ipatupad ang batas, kalokohan ang inaatupag ng mga pulis, at bihasang-bihasa sa korupsiyon.

Anang Pangulo, umaabot sa 40% ang tiwali sa halos 150,000  pulis sa buong bansa.

“Given the power to enforce the law and to arrest persons. Ginamit ninyo iyan sa kalokohan. Kasi kayong mga pulis, hindi lahat. It’s almost about 40 percent of you guys are really nasanay sa corruption. Even the graduates of PNPA, mga second lieutenant or first ‘yan, pag-graduate niyan maghanap ng assignment kung saan ‘yung may pera,” dagdag niya.

Inutusan ni Duterte si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na buwagin ang lahat ng ati-illegal drugs unit sa buong PNP, makaraan mabulgar na ginagamit sa korupsiyon ng mga pulis ang Oplan Tokhang, lalo ang pagkidnap, pagpatay at pagsunog sa isang Korean businessman .

Giit ng Pangulo, walang maidudulot na kabutihan sa PNP kung sisibakin niya si Bato, dahil kahit sinong ipuwestong hepe ng pambansang pulisya, gagawa pa rin ng kalokohan ang scalawags.

“Ngayon, nandiyan na pala lahat so binitawan ko na. But give me time to investigate. Alam mo motu proprio to condemn tapos paaalisin ko si Bato. What good will it do to the police to remove Bato, aber? If there are still scalawags and criminals inside Crame, they will continue with or without Bato,” aniya.

Magugunita, ang OPLAN Ahos ay inilunsad ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Mindanao, upang purgahin ang kanilang mga kasapi na pinaghihinalaan nilang ahente ng militar o nagbibigay ng impormasyon sa mga kaaway, at naging daan sa pagtatayo ng “rejectionist faction” ng kilusan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *