Saturday , November 16 2024
dead gun police

Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)

PATAY ang isang 68-anyos lider ng informal settlers makaraan pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Milagros Masalio, re-sidente ng Rosita St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Rey Quintana, 24, ng Kaingin St., Brgy. Tinajeros ng nasabi ring lungsod, tinamaan ng bala sa kaliwang balikat habang bumibili sa isang karinderya sa lugar.

Batay sa ulat nina PO2 Rocky-mar Binayug at PO2 Roldan Angeles, dakong 6:55 pm, habang naglalakad ang biktima sa Gov. Pascual Avenue, Brgy. Catmon kasama ang anak at apo, nang biglang lumapit ang suspek at dalawang beses binaril ang matanda.

Habang minalas na tinamaan ng ligaw na bala si Quintana.

Ayon kay Senior Insp. Paul Dennis Javier, posibleng may kinalaman sa alitan sa lupa ang motibo sa krimen dahil ang biktima ay tumatayong lider ng informal settlers sa kanilang barangay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *