HINDI papayagan ng Department of Education (DepEd), ang pamamahagi ng condoms ng Department of Health (DoH), sa senior high school students, binig-yang-diin ito ni Education Secretary Leonor Briones kahapon.
Aniya, inabisohan niya si Health Secretary Paulyn Jean Ubial hinggil sa kanilang pagtutol sa nasabing hakbangin.
Ayon kay Briones, hindi maaaring suportahan ng DepEd ang pamamahagi ng DoH ng contraceptives, naglalayong pigilan ang pagtaas ng bilang ng HIV cases at AIDS sa mga kabataan.
Ang kanilang desis-yon ay batay sa desisyon ng kanilang legal team, nagbusisi sa ruling ng Korte Suprema kaugnay sa Reproductive Health Law, at executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa RH programs.
Iginiit ng kalihim, sa usapin ay kailangan ang consent ng mga magulang.