MUKHANG matutuldukan na ang pakulong Julia Montes at Coco Martin matapos mabulgar na type ng actor si Yassi Pressman.
Nabuko tuloy na malamig na ang pagtitinginan nina Julia at Coco.
Well, sa isang banda, sabi naman ng mga maka-Julia, maganda na hangga’t maaga ay nawala na ang magandang pagtitinginan ng dalawa dahil wala naman iyong pupuntahan.
Pinakukulo lang iyong relasyon ng dalawa para sa proyektong niluluto. Sa pag-uugnay kay Julia, baka isipan pang atat ang batang aktres sa actor.
Nabanggit kasi ni Coco na mga lima o sampung taon pa bago siya mag-asawa.
Maganda rin ang nangyari na wala na sa poder ng Star Magic si Julia. Nasa pangangalaga na siya ng Cornerstone. Tiyak na mas gaganda pa ang disposisyon ni Julia ngayong bago na ang nangangalaga sa kanya.
SHOWBIG – Vir Gonzales