Wednesday , May 14 2025

Kelot kalaboso sa binugbog na partner (Tinanong sa relasyon)

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan pagsusuntukin at tutukan ng patalim sa leeg ang kanyang live-in partner nang magalit makaraan kausapin ng biktima hinggil sa kanilang pagsasama, sa Malabon City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Zedric Piquing, 21, ng 10 Alumiño St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Salaysay ng biktimang si Ma. Lourdes Pedida, 25, kina PO2 Ma. Theresa Dagman at PO1 Mayett Simeon, ng Women and Children’s Protection Desk, dakong 1:30 am, habang nakahiga sila sa kama, kinausap niya ang suspek kung ano ang plano kaugnay sa kanilang pagsasama.

Ikinagalit ito ng suspek at bigla siyang hinatak at sinuntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pagkaraan, kumuha ng patalim ang suspek at tinutukan sa leeg ang biktima saka nagbantang gigilitan siya sa leeg.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa Malabon Police Community Precinct (PCP) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *