EPEKTIBO kahapon, 29 Enero 2017, ang ipinatutupad na gun ban ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ang pagpapatupad ng gun ban ay bahagi ng security measures ng PNP para sa coronation night ng Miss Universe.
Ayon kay NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, suspendido ang PTCFOR o ang permit to carry firearms outside residence.
Sinabi ni Albayalde, epektibo ang gun ban sa Pasay at Parañaque cities.
Tanging mga unipormadong pulis at sundalo ang puwedeng magbitbit ng armas.
PTCFOR SUSPENSION
APRUB KAY BATO
INAPROBAHAN ni Philippine National Police chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang suspensiyon ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR), sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque, iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon.
Ayon kay NCRPO spokesperson, Chief Insp. Kimberly Molitas, epektibo ang PTCFOR simula kahapon hanggang 12:00 ng hatinggabi ngayong Lunes, 30 Enero.
Tanging ang mga opis-yal at tauhan ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at ibang tagapagpatupad ng batas mula sa ahensiya ng pamahalaan na nakasuot ng uniporme, ang pinapayagang magbitbit ng baril.
Dagdag ni Molitas, ito ay kaugnay sa ipatutupad na seguridad para sa Miss Universe pageant.
Samantala, maglalagay ang NCRPO ng checkpoints sa mga lansangan na pama-mahalaan ng ground commanders. (JAJA GARCIA)