INIHAYAG ng pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe pageant na si Maxine Medina na gagamit siya ng interpreter.
Ito ang sinabi ni Medina kahapon sa GMA News.
Sinabi pa ni Medina na hindi pa niya tiyak kung magta-Tagalog siya o mag-i-Ingles kapag natanong ng mga hurado sakaling makapasok siya sa Top 6.
Ani Maxine, “Siguro masasabi natin on that moment, because I consider an interpreter beside me.
“Pero it’s up to me if I can speak in English or can speak in Tagalog,” saad ni Maxine.
Harvey at rapper Flo Rida, dumating na
DUMATING na kahapon ang American TV host-comedian na si Steve Harvey para mag-host sa 65th Miss Universe na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Pasay City, sa Lunes, January 30.
Dumating siya bandang 8:00 a.m. sa pamamagitan ng Special Flight N626JE.
Sinalubong si Steve ni Department of Tourism Undersecretary Ricky Alegre at ni Luis ‘Chavit’ Singson.
“We are so happy, honored and proud to have Mr. Harvey in the Philippines,” ani DOT Secretary Corazon Wanda-Teo sa media.
Bukod kay Harvey, dumating din kahapon ang rapper na si Flo Rida.
(HNT)