Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PANGIL ni Tracy Cabrera

Kamay na Bakal

Effective leadership is putting first things first. Effective management is discipline, carrying it out. — Stephen Covey

PASAKALYE:

Napabilang sa Top 10 most competitive cities ng Filipinas ang Caloocan City at ito’y dahil sa maganda at mahusay na pamamalakad at pangangasiwa ng punong lungsod nito na si Mayor OCA MALAPITAN.

Kudos po, Mister Mayor…

Kung mayroong karangalang inani ang Caloocan dapat ay umani rin ng kabaligtarang award ang aming barangay sa Maypajo dahil kahi ngayo’y mabilis na ring umaksiyon kuno ang punong barangay dito, ito’y bunsod ng reklamong isnhampa ng inyong lingkod sa saang ‘ereliction of duty’.

Gayun man, umaasa kaming ipagpapatuloy ni Chairman Pitong Balentong ang pagbabagong ipinapakita niya ngayon.

DULOT ng sistemang bulok, panahon nang ipatupad ang ‘kamay na bakal’ para tiyakin ang tamang pagsunod sa proseso ng batas sa pagnenegosyo upang mabigyan ng proteksiyon ang mga consumer at publiko, hiniling ng ilang cause-oriented group sa pagtalakay ng usapin sa patuloy na pag-iral ng ilegal na kalakalan sa bansa.

Sa Clean Forum sa Champagne Room ng Manila Hotel, naging isyu ang patuloy na pagkakaroon ng ‘illicit trade’ na umiiral sa kalakakan sa bansa na kumikitil unti-unti sa ekonomiya ng Filipinas.

“Mr. President, iligtas mo po ang aming mga tahanan mula sa mga substandard na produkto. (Maliban o Bukod?) po sa droga, ang sambayanan po ay patuloy na dumaranas sa samo’t saring mga batayang problema at pangangailangan, tulad ng kuryente, tubig, transportasyon, langis, telekomunikasyon, pagamutan, medisina, pagkain, damit, pabahay, edukasyon at gayun din ang pangarap para sa magandang kinabukasan,” pinunto ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana Jr.

Nakasama sa Clean Forum sina Philippine Consumers Oil Watch (PhilCOW) president Noy Sisona, Confederation of Clean Air Adocates of the Philippines vice president for communications Dr. Michael Aragon at dating Metro Rail Transit (MRT-3) general manager Atty. Al Vitangcol III.

Ipinaliwanag ni Javellana na ang sistemang ‘illicit trade’ ay nagdudulot ng panloloko sa gobyerno at panlalamang sa kapwa, na ang unang talunan ay mga consumer at ang buong pamahalaan dahil hindi nagbabayad ng tamang halaga ng buwis ang mga nagpaparating ng mga dayuhang produkto na nagreresulta sa hindi patas na kompetisyon sa paghahanapbuhay.

“Kapag nagpatuloy po ito, maaaring tuwirang magsara ang mga lokal na pabrika o manupaktura at maraming manggagawang Filipino ang mawawalan ng trabaho,” dagdag nito.

Tinukoy din ng pangulo ng UFCC ang patuloy na paglaganap ng sinaasabing ‘illicit trade’ bilang malinaw na pagsabotahe sa ating ekonomiya na taliwas sa adhikain para magtagumpay ang tunay na pagbabagong itinutulak ng pangulo tungo sa Malaya at ligtas na bansa.

Pabor sa ‘no parking’ zone

TAMA po si Sec. TUGADE sa tinuran niyang kailangang gawin ‘no parking’ zone ang buong Kalakhang Maynila kung nais masolusyonan ang problema sa trapiko. Sa araw-araw ko pong pagbiyahe sa mga lansangan sa Kamaynilaan, marami po akong nakikitang double parking—at kung minsa’y triple’ pa — na sa aking paniniwala ay dahilan kung bakit nahihirapan dumaloy ang mga sasakyan sa kanilang pupuntahan. Dangan nga lang ay mahihirapan pong gawing polisiya ang ‘no parking’ dahil ang unang magiging kalaban po ni Sec. TUGADE ay mga lokal na opisyal, kabilang ang mga opisyal barangay mula sa chairman hanggang sa mga kagawad, dahil ang mga ginagawa nilang ilegal na teminal para sa mga pampublikong sasakyan ay kanilang pinagkakakitaan nang malaki. Kagaya po sa ilegal terminal ng mga bus, jeepney at FX sa Lawton. — Concened Citizen (09083457… 18 Enero 2017)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …