IPINABABAWI ng Office of the Ombudsman ang yaman ng yumaong si Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.
Sa inilabas na 27 pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang mga yaman ni Ampatuan noong 2002, 2003, 2005, 2006 at 2007 ay hindi tumutugma sa kanyang kita sa kanyang posisyon.
Aabot ang nasabing yaman sa mga taon na iyon sa halagang P54 milyon.
Sinabi ni Morales, hindi angkop ang pamumuhay ng kanilang pamilya sa kanilang kinikita kaya nararapat na bawiin ang kuwestiyonableng yaman.
Nilinaw din niya na maaaring iapela ng kampo ng dating gobernador ang nasabing resolusyon mula sa Ombudsman.