Thursday , December 26 2024

Sta. Isabel multimillionaire

AKALAIN ninyong si SPO3 Ricky Sta. Isabel, ang pulis na itinuturing na prime suspect sa pamamaslang sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo sa loob mismo ng police headquarters sa Camp Crame, ay multimillionaire pala.

Batay sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) noong 2014 ay may P20,366,000 si Sta. Isabel at ang kanyang asawa na si Jinky, ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Director Roel Obusan.

Noong 2015 ay ini-report ng mag-asawang Sta. Isabel na mahigit P17,328,000 ang kanilang assets.

Mantakin ninyong may limang house and lots daw ang naturang mag-asawa na matatagpuan sa Bagumbong, Caloocan City bukod pa sa commercial building na may apat na palapag sa Cubao, Quezon City. May ilang sasakyan at motorsiklo rin ang pulis.

Aminado si Sta. Isabel na maliit lang ang kanyang suweldo at hindi rito nagmula ang kanilang milyones. Ang yaman daw nila ay mula sa komisyon sa insurance ng kanyang asawa at mga negosyo na pinangangasiwaan nito tulad ng Western Union, Bayad Center at lotto outlets.

Ipinagmamalaki ni Sta. Isabel na ang kanyang asawa ay nagtapos na cum laude sa MLQU. Napalago raw nito ang kanilang negosyo dahil sa pangongomisyon sa insurance.

Pero hindi maiiwasang magduda ang marami sa pinagmulan ng kanilang mga milyones, lalo na’t nasasangkot si Sta. Isabel sa pamamaslang sa Koreano na dinukot ng mga pulis na nagkunwaring nagsasagawa ng anti-drug operation. Ang masaklap pa, kahit patay na ay hiningan pa nila ng ransom ang pamilya ng biktima.

Kung tutuusin, kahit na ano ang ikatuwiran ni Sta. Isabel ay mahihirapan siyang lusutan ito. Ang kasambahay ng Koreano na kasama nang siya ay dukutin ay kinilala si Sta. Isabel na isa sa mga dumukot sa kanila. Ayon sa isang pulis ay si Sta. Isabel ang mismong sumakal hanggang sa mamatay ang Koreano.

Ayon kay Sta. Isabel ay sumusunod lang siya sa utos ng kanyang immediate superior na si Supt. Rafael Dumlao sa Anti-Illegal Drugs Group, na siyang tunay na mastermind umano sa nangyari sa Koreano. Pati nga raw ang kasambahay ay ipinapapatay ni Dumlao pero hindi niya ito sinunod at hinayaang tumakas ang babae.

Ngayon ay nagtuturuan sina Sta. Isabel at Dumlao.

Sa mahigit 50 taon ko sa mundo ng media ay hindi naman lihim na naging malapit ako sa pulisya, na aking nakasama sa hindi mabilang na operations at pakikipagsalpukan sa mga kriminal, pusakal at mga hinayupak na halang ang bituka. Kaya masakit na makita o mabalitaan na may pulis na nasasangkot sa paggawa ng krimen at kagaguhan.

Napakahirap maging pulis, mga mare at pare ko, at daraan kayo sa butas ng karayom.

Narararapat lang na pahalagahan ninyo, mahalin at igalang ang inyong trabaho. Kung hindi kayo magpapakatino ay mabuti pang itapon kayo sa Mindanao. Kung lalabag kayo sa batas ay matuto kayong panagutan ito at magpakalaboso.

Tandaan!

BULL’s EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *