TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala nang aasahang salary increase ang mga opisyal ng Social Security System (SSS) at iba pang government corporations na wala siyang approval.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ito ay dahil nagpakasasa ang mga opisyal sa pera ng bayan.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagpalabas na siya ng naturang kautasan na wala nang dagdag suweldo o bonus ang mga opisyal ng SSS na hindi daraan sa kanyang opisina.
Magugunitang aabot sa milyon-milyong piso ang nakukuhang suweldo ng mga opisyal ng SSS kada taon.
“Kayong nasa government corporations and SSS, you have awarded yourselves with liberally worth the money of the people, I have issued an order. You go down. Down as down. There will be no more increase of your salary, without my approval. I will bring you. I will bring you to my level,” ani Pangulong Duterte.