Saturday , November 16 2024

Seguridad sa Miss U pageant kasado na (PCG magbabantay)

012817_FRONT
AABOT sa 2,000 pulis, sundalo, miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ide-deploy para sa seguridad ng coronation night ng Miss Universe 2017 sa Lunes, 30 Enero.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad sa loob at labas ng venue.

Sinabi ni Albayalde, nasa 1,500 uniformed PNP personnel ang kanilang ipakakalat sa labas ng venue.

Habang nasa 200 sundalo ang magsisilbing augmentation force sa PNP.

May mga pulis din na ide-deploy sa loob mismo ng event na nakasuot ng barong at may mga unipormadong pulis ang magbabantay sa loob ngunit walang bitbit na baril.

Diin ni Albayalde, mahigpit na ipagbabawal sa loob ng event ang pagdadala ng armas kaya maging ang mga pulis sa loob ay walang bitbit na armas.

Bago makapasok ang mga tao sa venue, daraan sila sa limang x-ray machines na mamandohan ng mga tauhan ng Office of the Transportation Security (OTS).

Sa pangkalahatan, ayon kay Albayalde ay plantsado na ang seguridad para sa Miss Universe pageant.

Inihayag ni Albayalde, magkakaroon lamang ng adjustment sa seguridad kung manonood si Pangulong Rodrigo Duterte ng coronation night dahil ang Presidential Security Group (PSG) na ang mag-take over sa seguridad.

Kinompirma ni Albayalde, may nakalaan nang upuan para kay Pa-ngulong Duterte.

Ngunit wala pang kompirmasyon kung dadalo ang pangulo.

HATAW News Team

PCG MAGBABANTAY

MAGTATALAGA ang Philippine Coast Guard ng isang malaking bangka na may Coast Guard Cutter sa Manila Bay malapit sa SM Mall of Asia para tumulong sa pagtiyak ng seguridad ng Miss Universe Pageant sa Lunes.

Ayon kay PCG-NCR Spokesman Ensign Mizar Cumbe, ang malaking bangka ay ipupuwesto 500 yarda ang layo mula sa dalampasigan ng MOA.

Habang 70 yarda mula sa dalampasigan ng MOA, magtatalaga ang PCG ng tatlong maliit na bangka, isang rubber boat at dalawang aluminum boat.

Nag-isyu na ang PCG ng notice to mariner o NOTAM para iwasan ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat sa paligid ng MOA.

Kung may magtatangka aniyang dumaan sa loob ng 700 yards ng shoreline ng MOA, itataboy sila palayo ng floating assets ng PCG.

Katuwang din ng PCG sa pagtiyak ng segu-ridad sa Manila Bay ma-lapit sa MOA, ang PNP-Maritime Group.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *