Wednesday , December 25 2024

Politikong masisipag mag-ikot sa mga lamay noon nasaan ngayon?!

RAMDAM na ramdam noon ang presensiya ng mga TRAPO (traditional politician) na masigasig mag-ikot sa mga lamay at magbigay ng kaunting tulong pinansiyal sa bawat pamilyang naulila kahit hindi mo hingan sa lungsod ng Maynila.

‘Yan ay noong bago ang eleksyon 2016 na halos lahat ng sulok na may nakaburol ay inaalam at ginagalugad ng mga kandidato at politiko.

Lalo na anila ang mga KONSEHAL na re-electionist at maging ang mga aspiring pa lamang. Bente-kuwatro oras nga raw ang paghahagilap ng mga staff ng bawat paolpoltiko ‘este politiko sa Maynila upang matunton ang lugar na may lamay o burol lalo ang nasa depressed areas at mga eskinita.

Pero iba na ngayon, malaki ang pagkadesmaya ng mga Manilenyo sa mga ibinoto nilang politiko sa lungsod partikular ang mga kilalang nangangampanya noon na kunwari’y pakikiramay sa mga lamay kahit anumang oras.Hindi na raw kasi makita o maramdaman man lang ang mga hinayupak ‘este ‘trapo’ kahit anino nila sa mga lamay.

Hindi na rin mahingian ng tulong-pinansiyal sa pagpapalibing!

Madaling lapitan pero ang hirap hanapin na ngayon!

Kung tulong-medikal nga raw ay nganga na, libreng pa-ospital at libing pa kaya?

Asa ka boy!!!

Nganga onli in Manila!

ILLEGAL TERMINAL
AT PAILAW SA BARANGAY
NI CHAIRMAN M. MANALO
(ATTN: MMDA at MERALCO)

‘Yan ang gusto nating itanong sa kinauukulan dahil sa kabila ng maganda at maayos na sistema ng trapiko ngayon sa kahabaan ng Blumentritt, e may isang barangay ang mukhang naiiba ang pamamalakad.

Ibang-iba kasi ang makikita kapag napadaan kayo sa bahaging kanto ng Blumentritt sakop ng barangay ni Chairman Melvin Manalo.

Kapansin-pansin ang double parking na mga trak, jeep, tricycle, padyak at kung ano-ano pa, maging ang mga kariton ay nakahambalang sa nasasakupan ni Tserman Manalo.

Mukhang panalong-panalo ang grasyang dumarating kay Tserman Manalo sa kaiikot raw ng kanyang tauhan o bata-batuta?

Totoo ba ‘yan Tserman Manalo?

Maglalakas loob ba ang mga sasakyang nakahambalang sa kalsada kung mahigpit ninyong ipinatutupad ang no obstruction sa iyong teritoryo sir Manalo!?

Magkano ‘este paano ba maaayos ang inyong lugar kung may BUTAW ‘ehek BUTAS na sinasabing hatag sa parking at maging sa ilegal na pailaw?

Nagtatanong lang ho tayo Chairman!

HAPPY 116th MPD
FOUNDING ANNIVERSARY!

Binabati natin ang pamunuan ng Manila Police District(MPD) sa ilalim ng liderato ni C/Supt. Napoleon Jigz Coronel sa pagdiriwang ng 116th founding anniversary.

Talagang kapansin-pansin ang tunay na pagbabago at pamamalakad sa MPD ngayon.

Kitang-kita at ramdam ng madlang pipol sa lungsod ang mga trabaho at serbisyong ginagawa ng mga pulis kontra krimen at lalo laban sa droga.

Binabati rin natin ang MPD PS-3 na pinamumunuan ni P/Supt. Santiago Pascual na napiling best MPD station.

Samantala, si MPD MEISIC PS-11 P/Supt. Amante Daro ang nakasikwat ng best station commander of the year dahil sa kanyang dedikasyon at seryosong anti-drug operation.

Si PS-11 SAID/Gandara PCP Chief Insp. Leandro “Butchoy” Gutierrez naman ang napiling best PCP commander of the year.

Ang Don Bosco PCP ang nahirang na Best PCP of the year na pinamumunuan ni PCI Gilbert Cruz.

Bigyan rin natin ng pagbati at saludo sina MPD PS1 commander Supt Robert Domingo, PS1 SAID at PS5 commander Supt. Romeo Desiderio sa matagumpay na mga anti-criminality drive nila.

Sana’y ‘wag kalimutan at bigyang pagkilala rin si PCI Marlon Mallorca sa pagpapanatili ng peace & order sa kanyang AOR kasabay ng kanilang matinding anti-drug campaign sir.

Muli, congrats sa lahat ng pinarangalan na MPD officials!

Keep up the good work!

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *