IPINABABASURA ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa Office of the Ombudsman ang isinampang kaso laban sa kanya ng mga kaanak ng na-patay na 44 PNP-SAF members sa Mamasapano incident noong 2015.
Nanindigan si Aquino, walang merito ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide na isinampa sa kanya dahil walang basehan ang argumento na siya ang dapat managot sa nasa-bing pangyayari dahil sa umiiral na prinsipyo ng command responsibility.
Iginiit niyang ang operasyon sa Mamasapano noong 25 Enero 2015 ay continuing ope-ration lamang.
Paliwanag niya, taon 2003 nagsimula ang nasabing o-perasyon laban sa mga teroristang sina Marwan at Basit Usman.
Dagdag ng dating pangulo, hindi kailangan ang approval niya bilang pangulo upang maisilbi ang warrant of arrest laban sa dalawang lider ng mga terorista.
Samantala, pinabulaanan din niya na ipinaubaya niya kay dating PNP chief Alan Purisima ang nasabing o-perasyon na noon ay suspendido.