Saturday , November 16 2024

Inmate nalapnos sa mainit na tubig ng pulis

LAOAG CITY – Nalapnos ang leeg at likuran ng isang preso makaraan mabuhusan ng isang pulis ng mainit na tubig sa bayan ng Sarrat sa lalawigan ng Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Errol Fiesta, residente sa Brgy. 14 sa nasabing bayan, habang ang pulis na nakabuhos ng mainit na tubig sa kanya ay si PO2 Baris.

Ayon kay Chief Insp. Roldan Suitos, hepe ng PNP Sarrat, hinuli nila si Fiesta dahil sa pagwawala nang mala-sing.

Ngunit habang ipinapasok nila sa PNP station ay patuloy pa rin ang pagwawala kaya natabig niya si PO2 Baris na may hawak na tasa na may lamang mainit na tubig at nabuhusan ang leeg at likod ng biktima.

Samantala, iginiit ni Fiesta, natutulog siya nang mabuhusan ng mainit na tubig at hindi totoong nagwawala siya.

Tiniyak ng PNP na magsagawa sila nang mas malalim na imbestigasyon at kapag mapatunayang sinadya ang insidente ay mananagot si PO2 Baris.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *