BINIGYANG-DIIN ni dating Pangulong Benigno Aquino III, hindi siya dapat sisihin sa Mamasapano operation na ikinamatay ng 44 PNP-Special Action Force.
Ginawa ni Aquino ang pahayag makaraan siyang batikosin ni Pangulong Rodrigo Duterte at sisihin sa madugong operas-yon noong 25 Enero 2015, dalawang taon na ang nakararaan.
Sinabi ni Aquino, kabisado niya ang kalakaran sa Minda-nao, lalo ang konsepto ng pintakasi na ‘pag siguradong lamang sa bilang ng tao at dami ng armas ang ka-laban, kukuyugin nila ang papasok na kadalasa’y puwersa ng gobyerno kaya inutusan niya noon si Police Director Napeñas na kailangan niyang makipag-coordinate sa AFP para maihanda ang mechanized units, artillery, eroplano, tao at iba pang assets na kailangan para hindi mangyari ang pintakasi.
Ayon kay Aquino, hindi sinunod ni Napeñas ang kanyang lohikal at legal na atas at ipinatupad ang “time after target” na koordinasyon kaya nagkandarapa ang AFP sa pagresponde.
“Alam na po natin ang nangyari: Ang atas para mag-coordinate na dapat ‘days before,’ naging ‘time after target,’ gaya ng sinabi na rin ng Senate Committee Report. Dahil walang coordination, ang AFP, nagkandarapa, dahil ‘yung mga detalyeng dapat alam nila, gaya ng sino ang tutulungan at saan, saka pa lang nila inaalam. Hindi ko maiwasang isipin: Kung sinunod lang ang lohikal at legal kong utos, hindi mangyayari ang trahedya sa Mamasapano,” ani Aquino.
Kasabay nito, idinepensa ni Aquino kung bakit ginamit ang PNP-SAF na kinukuwestiyon ni Pangulong Duterte dahil pang-urban warfare at hindi kabisado ang terrain sa Maguindanao.
Inihayag ni Aquino, batay mismo sa website ng PNP-SAF, ang SAF commandos ay maaa-ring i-deploy saan man sa bansa at sinanay sila sa anti-insurgency operations na karaniwang nasa rural areas.
Ipinaliwanag din ni Aquino, kaya hindi ginamit ang Army ay dahil law enforcement ang misyon na trabaho ng PNP pero ini-utos nga niya kay Napeñas ang koordinasyon sa AFP ilang araw bago ang operasyon.
Dahil sa paratang ni Pangulong Duterte na CIA operation ang nangyari sa Mamasapano, iginiit ng dating pangulo na wala si-yang Amerikanong nakausap kaugnay sa operasyon at sa kanya raw pagkakaunawa, tumulong ang Estados Unidos doon sa equipment at hardware na pinanggalingan ng intelligence.
CELLPHONE NI PNOY
BUSISIIN — AGUIRRE
HINAMON ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng pahayag ng dating punong ehekutibo kaugnay nang pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay Aguirre, isuko ni Aquino ang kanyang mobile phone para sa forensic examination upang malaman ang kanyang naging utos sa mga hene-ral sa operasyon, kabilang si Purisima na noon ay suspendido pa sa serbisyo.
Ito ang tugon ni Aguirre kay Aquino sa tila paghuhugas-kamay sa operasyon sa Mamasapano dalawang taon na ang nakararaan na ikinamatay ng 67 katao, kabilang ang 44 miyembro ng PNP-SAF.
Labis din na ipinagtaka ni Aguirre kung bakit hindi nadawit ang pangalan ng dating pangulo sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP-SAF troopers.