HINILING ng public interest law group sa Supreme Court kahapon na mag-isyu ng writ of amparo, naglalayong protektahan ang pamilya ng mga biktima ng “tokhang” operation sa Quezon City, sa “police harassment and intimidation” at suspendihin ang tokhang operation sa apektadong komunidad.
Sinabi ng Center for International Law (Centerlaw), ang petisyong inihain ay kauna-unahan laban sa PNP’s
“Oplan Tokhang” magmula nang ilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs noong Hulyo 2016.
Ang writ of amparo ay remedyo na maaaring hilingin ng ano mang personalidad na nalabag ang “right to life, liberty, and security” at pinagbabantaan ng public official, employee o private individual.
Ang kaso ay nag-ugat sa tokhang operation na ipinatupad nina Senior Inspector Emil S. Garciapo, PO3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga ng Quezon City Police Station 6 noong 21 ng Agosto, 2016 sa Group 9, Area B, Payatas, Quezon City.