Saturday , November 16 2024

Sekyu ng NBI dedbol sa lawyer agent (Tumaya sa sabong)

PATAY ang isang security officer ng National Bureau of Investigation (NBI)-Tarlac makaraan makipagbarilan sa isa pang taga-NBI sa Brgy. Dolores, Capas, Tarlac kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Tarlac Provincial Director Senior Supt. Westrimundo Obinque, kinilala ang biktimang si Laverne Vitug, 51, residente ng Tarlac City, habang kinilala ang suspek na si Atty. Boy de Castro.

Batay sa na imbestigasyon, nasa loob ng isang sabungan ang da-lawa dakong 6:20 pm k nang hindi magkabayaran sa pustahan kaya’t nagkaroon ng pagtatalo.

Maya-maya’y nagbarilan ang dalawa sa loob ng sabungan na ikinasugat ng biktima. Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arri-val.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek na si De Castro, intelligence officer ng NBI-Tarlac, tumakas sakay ng kanyang Mitsubishi Pajero.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *