SA gitna ng mga akusasyon ng pang-aabuso, pagmamaltrato, at mga kaso ng “human trafficking” na inihain laban sa isang labor recruiter at sugar mill sa Tarlac, ilang magsasaka ang lumitaw at pinabula-anan ang bintang.
Ayon kina Ricky Mahinay at Nancy Rama, kabilang sa halos 1,000 sakada o sugar workers na hinakot mula Mindanao upang magtrabaho sa Hacienda Luisita, gulat na gulat sila nang ang iba nilang katrabaho ay biglang nagsalaysay ng mga alegasyon na para sa kanila ay walang bahid ng katotohanan.
“Sila po ‘yung mga tumakas, maayos naman po ang trabaho namin dito. Bigla na lang nabalitaan namin na humarap sila sa media, ang sabi nila kinakawawa kami rito, hindi kami pinapakain at binabayaran. Hindi naman po totoo ‘yon,” paliwanag ni Mahinay.
Sumang-ayon si Rama at idinagdag, ang karamihan sa mga magsasaka ay nagpapasalamat na nabigyan sila ng pagkaka-taon upang makapagtrabaho.
“Nagpapasalamat nga po kami na nabigyan kami ng trabaho at nakatulong kami sa mga pamilya namin. Hindi po namin alam kung ano ang pakay nila at biglang nagkaroon ng iba’t ibang kuwento, pero mahirap paniwalaan ‘yung mga ibinibintang nila,” wika niya.
Sa panig ng Greenhand Labor Service Cooperative, ang recruitment agency na namuno, nagdala, at gumawa ng paraan upang makapasok ang mga sakada sa Tarlac, itinanggi nila lahat ng mga alegasyon.
“Hindi raw sapat ang tirahan na tinutuluyan nila, ngunit ang katotohanan ay inilagay sila sa apat sa building na malakas ang agos ng tubig at kor-yente para sa lahat,” idiniin ng General Manager ng Greenhand na si Billy Baitus. “Ang katunayan nga, mayroon pa kaming approval at Certificate of Adequate Temporary Dwelling mula sa DoLE Regional Office 3 mismo.”
Bukod pa, isinumpa ni Baitus na tinupad nila lahat ng ipi-nangako sa mga magsasaka: suweldo na P220 per ton subsistence sa loob ng contract period, libreng transportasyon mula Tarlac at Bukidnon, cash advance na P2,500 sa oras ng pagbiyahe at P2,500 pagda-ting, accident at health insu-rance, at social security benefits. “Ang isa pang kaduda-dudang bagay, bakit isinama at pilit idinamay ang mga walang kinalaman sa kaso,” ani Baitus.
“Halimbawa, ang kompanyang Agrikulto. Sila lang ang kumontrata sa amin para mag-recruit ng mga sakada. Lalo naman ang Central Azucarrera de Tarlac, na talagang napakalayo sa usapin. Ang Central Azucarrera de Tarlac ay sugar mill na nagpoproseso ng mga hilaw na materyales. Wala silang kinalaman sa pag-recruit ng mga trabahador, ngunit ang parehong kompanya ay isinama sa complaint at paulit-ulit na nababangit sa media,” patapos niyang pahayag.