Saturday , November 16 2024

4 patay, 3 sugatan sa enkwentro sa Mindanao

COTABATO CITY – Apat ang patay at tatlo ang malubhang nasugatan nang magpatupad ng search warrant ang pulisya at militar laban sa isang alkalde dakong 5:20 am kahapon sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Supt. Jimmy Daza, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM), nagpatupad sila ng search warrant operation sa Brgy. Saniag, Ampatuan, Maguindanao laban kay Mayor Rasul Sangki.

Lumaban ang mga tauhan ni Sangki kaya sumiklab ang matinding palitan ng putok sa magkabilang panig.

Tumindi ang enkwentro nang magresponde ang armadong grupo na kapanalig ng alkalde.

Umatras ang armadong kalalakihan nang dumating ang dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) na tumulong sa ground force ng pulisya at pinagsanib na puwersa ng 57th at 19th IB.

Apat sa mga tauhan ni Sangki ang napatay at tatlo ang nasugatan, kabilang ang isang pulis.

Si Sangki ay kabilang sa tinaguriang narco-politicians na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *