Monday , December 23 2024

Pinay binitay sa Kuwait

012617_FRONT
BINITAY na ang isang Filipina domestic worker na si Jakatia Pawa nitong Miyerkoles sa Kuwait, sa kabila nang pagsisikap ng kanyang pamilya at mga opisyal ng gobyerno na mailigtas ang kanyang buhay.

Kinompirma ito kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa mga opisyal ng Philippine embassy, inihayag ng Sulaibiya Prison officials, itinakdang bitayin si Pawa dakong 7:30 am Kuwait time (12:30 p.m. Manila Time).

Si Pawa ay inakusahan at hinatulan sa sinasabing pagpatay sa anak ng babae ng kanyang amo noong 2007. Ngunit iginiit niya at ng kanyang pamilya na siya ay inosente.

Bago ang pagbitay, ang Filipina ay inilipat sa solitary cell na may unan, kumot at Qu’ran lamang. Gayondin, siya ay binigyan ng cellphone at call cards para matawagan ang kanyang pamilya.

Ikinabigla ng pamilya ni Pawa ang balita ukol sa pagbitay sa kanya. Ayon sa kanyang kapatid na si Col. Gary Pawa ng Philippine Air Force, inakala niyang ngayong Huwebes pa nakatakda ang pagbitay.

Nauna rito, nagsagawa ng last minute appeal si Col. Pawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng paraan upang matulungan si Jakatia.

“Sa ating mahal na pangulo, sana matulungan niya ang kapatid ko, maisalba ang buhay niya. Ibibitay na siya bukas,” pahayag ni Col. Pawa.

Sinabi ni Pawa, nalaman niya ang tungkol sa pagbitay nang tumawag ang kanyang kapatid.

“Tumawag kapatid ko kanina around 5 o’clock in the morning. Kasi nga nabigla nga ako kanina sa pagtawag niya kasi umiiyak. Sabi niya ‘Kuya, bukas bibitayin na kami’,” aniya.

Naiyak aniya siya nang marinig ang huling habilin ng kanyang kapatid.

“Magpapaalam ako. Kuya, huwag mong pabayaan dalawang anak ko, bukas bibitayin na ako. Yun lang mahihingi ko sa iyo,” pahayag aniya ng kanyang kapatid.

PALASYO NAKIRAMAY
SA PAMILYA PAWA

NAGPAABOT nang pakikiramay ang Palasyo sa mga naulila ni Jakatia Pawa, ang Filipina domestic helper na binitay kahapon sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maisalba sa kamatayan si Pawa ngunit hindi umubra sa mga batas ng Kuwait.

“It is with sadness that we confirm the execution of Jakatia Pawa this afternoon (Philippine Time).The Philippine government has provided the late Pawa all the assistance necessary to ensure all her legal rights are respected and all legal procedures are followed.Government likewise exerted all efforts to preserve her life, including diplomatic means and appeals for compassion. Execution, however, could no longer be forestalled under Kuwaiti laws,” ani Abella.

Patuloy aniya ang pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya Pawa

“The Department of Foreign Affairs (DFA) is now closely coordinating with Ms. Pawa’s family and continues to facilitate assistance. We pray for her and her bereaved family,” sabi ni Abella.

Si  Pawa ay hinatulan ng kamatayan ng Court of Cassation sa Kuwait noong 2010 dahil sa pagpatay sa 22-anyos anak na babae ng kanyang amo noong 2007.

Nagtapos ng kursong banking and finance si Pawa sa Zamboanga Arturo Eustaquio Colleges sa Zamboanga City, ngayo’y Universidad de Zamboanga, at may dalawang anak na may edad 18 at 16 anyos.

Nagsimulang magtrabaho sa Kuwait si Pawa noong 2002 at sa mga pagdinig sa kasong murder ay itinanggi na siya ang pumatay sa biktima bagkus ay mga kaanak nito ang salarin dahil may immoral na relasyon ito sa kapitbahay nilang lalaki.

(ROSE NOVENARIO)

PAMILYA TUMANGGI
SA TANAZUL

MALAKI ang paniniwala ng Department of Foreign Affairs (DFA), maaaring naiba ang takbo ng kapalaran ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jakatia Pawa kung pumayag ang kanyang pamilya na magbayad ng blood money sa kanyang amo.

Sinabi ni DFA Asst. Sec. Charles Jose, hanggang nitong mga huling buwan ng nakalipas na taon ay patuloy aniyang kinukombinsi ng kinatawan ng pamahalaan ang pamilya ng OFW na magbigay na lamang ng blood money.

Gayonman, nanindigan aniya ang pamilya ni Pawa sa kanilang posisyon na tanggihan ang pagbayad ng Tanazul o pagbayad ng blood money.

Ayon kay Jose, kung sakali, posible naibaba ang sentensiya kay Jakatia sa habambuhay na pagkabilanggo.

Ayon kay Jose, iginagalang nila ang desisyong ito ng pamilya Pawa.

Sa panig aniya ng pamahalaan, Iginiit ni Jose na ginawa nila ang lahat ng paraan para maisalba ang buhay ng OFW  hanggang bago ipatupad ang parusang bitay sa kanya kahapon.

Samantala, tulad nang inaasahan para sa tradisyon ng mga Muslim, hindi na maiuuwi rito sa bansa si Pawa at doon na sa Kuwait ililibing.

Ngunit puwede aniyang pag-usapan ang pagpapadala sa Kuwait sa kanyang mga mahal sa buhay ngunit wala pang malinaw na pasya rito ang ahensiya.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *