IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte, lalong lumala ang problema sa ilegal na droga sa bansa dahil sa pagpasok ng ISIS lalo sa Mindanao.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa Tacloban City, ang Maute group na nakianib na sa international terror group na ISIS, ay nagmamantine ng mga laboratoryo ng droga sa Mindanao.
Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi basta-basta napapasok ang mga nasabing pagawaan ng ilegal na droga dahil nagtataglay ito ng malalakas na kalibre ng armas.
Kaya bukod aniya sa mga pulis, ilang sundalo na ang napapatay na sumasama sa anti-drugs operations.