Thursday , December 26 2024

Condom huwag panggigilan

PATOK na patok mga ‘igan ang usaping ‘condom’ partikular sa mga kabataan ng mga paaralan.

May tumututol, mayroon din namang sumasang-ayon sa planong pamamahagi ng condom ng Department of Health (DOH) sa mga eskwelahan.

Ngunit, ano nga ba ang ikabubuti sa sambayanan at sa kapakinabangan ng mga kabataan?

Batikos dito…batikos doon lang ang nangyayari mga ‘igan! Bakit hindi pag-usapan nang masinsinan? Nang nakaupo? Lalo na ngayong palala nang palala ang kaso ng HIV/AIDS partikular sa mga kabataan. Ganoon din ang sinasabi nilang “teenage pregnancy.”

Sa paglilinaw ni Health Secretary Paulyn Ubial sa napapabalitang pagbibigay ng condom ng DOH sa mga paaralan, aba’y hindi pa umano ito nangyayari, bagkus ang implementasyon ng nasabing proyektong pamamahagi ng condom sa mga estudyante ay nakasalalay pa sa pagsangayon ng Department of Education (DepEd).

Sa totoo lang mga ‘igan, hindi mangyayari ang patutsadahan ng bawat isa ng tungkol sa isyung condom, kung sa simula pa lamang ng sinasabing pagpaplano ng DOH ay pinaupo na ang “concerned agencies” tulad ng DepEd upang lubos na mapag-usapan ang nasabing isyu, at nang sa huli’y makagawa ng isang komprehensibong proyekto na may wastong pamamaraan sa implementasyon at higit sa lahat ang “full support” ng lahat na “involve” sa pagsasakatuparan ng napagkasunduang proyekto.

Mantakin ninyong nagkainitan nang tungkol sa condom si National Youth Commission Chair at singer-songwriter Aiza Seguerra at ang kanyang tatay-tatayang si Senator Tito Sotto. Ang Aiza kontra sa mga pahayag ni Tito. Pero isa lang ang sinabi ni Tito, “Buy yourself some time to read and study before you speak about serious issues that men like me have been championing for decades.”

Correct ka d’yan Tito Sen!

Bagitong Aiza…aba’y magbasa-basa muna bago umarangkada! Ang kinokontra mo’y antigong politician na marami nang karanasan at pinagdaanan.

Papunta ka pa lang, siya’y pauwi na he he he…

Ani Sotto, mas naniniwala siya sa isang dating kalihim ng DOH kaysa politikong walang karanasan…

Correct ka na naman d’yan Tito Sen! Hoops…wait… ‘di ba “A little knowledge is

dangerous?”

Kung iisipin lang natin mga ‘igan, aba’y iisa lang naman ang layunin ng lahat ng bumabatikos, hindi ba’t ang masolusyonan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng HIV/AIDS at ang paglaganap ng teenage pregnancy na nagiging dahilan ng paglago ng ating populasyon?

Ang mabuti pa’y pag-isipan ng lahat ng tumutuligsa sa pamamahagi ng condom sa mga paaralan, kung paano matutuldukan ang mga lumalalang problemang ito ng bansa.

Sa pagpaplano pa lang ay involve na ang lahat nang sa huli’y wala nang batohan pang magaganap! Good Luck na lang po mga ‘igan!

Go Go Go…

USAPIN KAY DELIMA NASAAN NA?

SA dami ng nagsusulputang mga problema, isyu, katiwalian sa lipunan, aba’y nasaan ang noo’y napaka-init na usapin kay De Lima?

Ano na bang nangyari mga ‘igan? Nasaan na ang mga taong nag-iimbestiga kay De Lima, partikular itong si DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na nagdala pa ng mga testigong laban kay De Lima?

Sus, hayun, isa siya ngayon sa iniimbestigahan sa kasong kanilang kinasasangkutan.

He he he…baligtad na mga ‘igan.

Sa kasalukuyan, binigyan ng 15 araw si De Lima ng Liderato ng Senado, upang sagutin ang mga kaso ng ethics complaint na ipinukol ng Kongreso at ni Atty. Abelardo de Jesus kay De Lima sa Senate Ethics Committee na pinamumunuan ngayon ni Tito Sen.

Sana’y huwag kilos pagong ang pagreresolba ng mga kaso ni De Lima nang malaman ng taongbayan ang buong katotohanan.

Bow…

Abangan, ang kasong kinasasangkutan ni Brgy. 781 Zone 85 District V Chairman Jason B. San Juan na ipinupukol ni Brgy. Kagawad Zenaida De Guzman ng nasabing barangay…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *