MAKALALAYA sa susunod na linggo ang aabot sa 127 preso sa pamamagitan ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive clemency makaraan irekomenda ng Department of Justice ang pagpapatawad sa kanila.
Kinompirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nitong Miyerkoles ang pagpapalaya sa 127 preso, ilang linggo makaraan isumite sa Malacañang ng ahensiya ang lista-han ng kanilang mga nominado para sa executive clemency.
Ipinangako aniya ng Pa-ngulo sa kanya na lalagdaan ang isang kautusan sa pagpapalaya ng mga bilanggong nasa listahan ng DoJ.
Ayon kay Aquirre, alinsunod ang recommendation for pardon sa pangako ng Pangulo na palalayain niya ang mga presong may edad 80 at yaong nakapagsilbi na ng kanilang sentensiya sa loob ng 40 taon.
Galing aniya ang napiling inmates sa mga penal colony sa ilalim ng pa-mamahala ng Bureau of Corrections, kabilang ang New Bilibid Prison (NBP) at ang Correctional Institution for Women (CIW).
Nauna nang sinabi ni Agui-rre, dalawang preso ang inirekomenda ng DoJ para sa absolute pardon at aabot sa 100 ang rekomendado para sa commutation of sentence.
Ayon kay Aguirre, may 30 inmates ang inirekomenda noon pang panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, ngunit hindi ito inaksiyonan ng mga panahong iyon.
Sa ilalim ng mga kondisyon na itinakda sa 1987 Constitution, maaaring magbigay ang Pangulo ng reprieves, commutations, at pardons.
Matatandaan, noong Nob-yembre, binigyan ng absolute pardon ang aktor na si Robin Padilla, isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.
Na-convict si Robin Padilla sa kasong illegal possession of firearms noong 1994 at sinentensiyahan ng 21-taon pagkabilanggo.
Nakalaya si Padilla mula sa New Bilibid Prison maka-raan siyang gawaran ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.