PATAY ang isang 14-anyos estudyante makaraan magbaril sa sentido sa Parañaque City kamakalawa.
Hindi na umabot nang buhay sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang si David Matti.
Ayon sa ulat ng Parañaque City Police, nangyari ang insidente sa master’s bedroom ng bahay ng pamilya ng biktima dakong 4:00 pm.
Napag-alaman, ang baril ay lisensiyado at pag-aari ng ama ng biktima.
Samantala, tumangging magbigay ng paha-yag ang pamilya kaugnay sa dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.
(JAJA GARCIA)