Tuesday , May 13 2025
dead gun police

1 patay, 2 sugatan sa niratrat na saklaan

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang nakatatandang ka-patid at ang 60-anyos ginang makaraan pagbabarilin ng isa sa tatlong hindi nakilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Senior Insp. Delta Navarra ang namatay na si Romnick Cruz, 27, habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang kuya niyang si Ronald Cruz, 36, kapwa ng 103 Dulong Ugnatan Burgos St., Brgy. Concepcion, at si Lolita Panganiban, ng 1292 M. Naval St., Brgy. San Roque, Navotas City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis u-pang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa krimen.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Benjamin Sy Jr., dakong 11:20 pm, nag-uusap ang magka-patid sa harap ng saklaan sa Dulong Ugnatan St., nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang mga biktima, habang nagsilbing lookout ang dalawa pa.

Tinamaan din ng bala ang ginang na napadaan lamang sa nasabing lugar.

Isinugod ang mga biktima sa pagamutan ngunit binawian ng buhay si Romnick.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na …

Amenah Pangandaman BBM Bongbong Marcos

Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS

MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *