POSIBLENG magkaroon ng breakdown sa Philippine National Police (PNP) kapag hindi ito nalinis mula sa scalawags.
Binigyan-diin ito ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kasunod ng mga eskandalong kinasasangkutan ngayon ng pambansang pulisya.
Halimbawa rito ang sinasabing mga krimen na ginagawa ng mga pulis sa gitna ng lehitimong ope-rasyon, katulad ng kidnap-slay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Magugunitang sinabi kamakailan ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, napatay si Jee sa loob ng Camp Crame.
Dahil dito, sinabi ni Lacson, magpapatawag siya ng imbestigasyon sa Senado, “in aide of legislation” hinggil sa criminal incidents na kinasasangkutan ng mga pulis.
Samantala, pinayuhan ng senador si Dela Rosa na ibalik muli ang disiplina sa loob ng PNP.
Bukod dito, mainam din aniya na linisin ng PNP chief ang pambansang pulisya.
Magagawa aniya ito ni Dela Rosa kung pagtu-tuunan ng pansin ang mga problema sa Crame na da-pat ay prayoridad ng opis-yal. Ang tinutukoy ni Lacson ay pagdalo ni Dela Rosa sa isang concert sa gitna ng kontrobersiya ukol sa pagkidnap at pagpatay kay Jee.