BAGUIO CITY – Halos mabalot ng yelo ilang bahagi ng Mt. Pulag sa bayan ng Kabayan, Benguet.
Ito ay nang magkaroon ng frost o tumigas ang ilang mga pananim at damo roon, partikular sa Badabak Ranger Station at toktok na bahagi ng bundok.
Ayon sa Mt. Pulag Park Ma-nagement, tinatayang aabot sa one degrees Celsius ang tempe-ratura ngayon sa ikatlong pinakamataas na bundok ng bansa.
Dahil dito, pinayohan ang trekkers na magsuot ng winter clothings o ano mang body warmers upang maiwasan ang hypothermia.
Bukod dito, kailangan din magpakita ng medical record ang mga nagbabalak umakyat doon upang ma-tiyak na walang iniindang sakit ang mga bibisita.
Samantala, kahapon ng umaga, naitala ang pinakamababang temperatura sa lungsod ng Bagu-io na aabot sa 1.6 degrees Celsius at inaasahang bababa pa hanggang sa buwan ng Pebrero.