INILUNSAD kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan na si Ka-patid na Eduardo V. Manalo, ang bagong temang gagabay sa mga gawaing inilalatag ng Iglesia para sa buong 2017: “Ikinararangal ko na ako ay Iglesia Ni Cristo.”
“Napili at napagkasunduan ang adhikaing Isulong ang ikapagta-tagumpay ng lahat ng mga gawain sa Iglesia at ang pagsasakatuparan nito ay pangungunahan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo sa sunod-sunod na programang ating ilulunsad,” pahayag ni INC General Auditor Glicerio B. Santos Jr.
Idinagdag ni Santos, bago nagtapos ang 2016 ay ipinagdiwang at inalala ng INC ang kaarawan ng dating Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eraño G. Manalo sa pamamagitan ng pagsagawa ng Lingap sa Mamamayan.
Ang naturang aktibidad ay idinaos sa Muslim Compound sa Barangay Culiat, Tandang Sora, Quezon City noong 23 Disyembre 2016. Ang Lingap ay isa sa mga pangunahing programang pagtulong sa kapwa tao ng Iglesia, at dati nang ginagawa tuwing sasapit ang kaarawan ng Ka-patid na Eraño G. Manalo noong siya ay nabubuhay pa.
“Ang mga simulain ni Kapatid na Eraño ay siya namang ipinagpapatuloy at lalo pang pinalalawak sa pamumuno ng Kapatid na Eduardo V. Manalo. Bilang patunay, puspusan ang paglaki at pag-yabong ng Iglesia sa Estados Unidos, Russia, South Korea, Brazil, Japan at sa maraming bansa sa Africa. Kaalinsabay sa paglagong ito ang pagsasagawa ng mga Lingap sa Mamamayan sa iba’t ibang kontinente. Wala tayong pinipili sa pagtulong. Lahat ng tao ay binibigyang importansiya, ano man ang lahi o relihiyon,” ani Santos.
Ayon sa datos ng INC, sa Africa pa lang, 16 bansa ang narating ng pinaigting na pagpapalaganap ng pananampa-lataya. Nagdaos ng Lingap sa Mamamayan sa South Africa, Kenya at Lesotho. Mainit ang na-ging pagtanggap at libo-libo ang nagsidalo.
Hangang 1 Disyembre 2016 pa lamang ay may kabuuang 1,669 bagong kapilya ang naitatag sa Filipinas at sa iba’t ibang bansa mula nang maging Tagapamahalang Pangkalahatan si Kapatid Eduardo V. Manalo noong Setyembre 2009.
Naglalakihang bahay-sambahan ang naihandog sa Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Spain, Japan, Australia at South Africa nitong mga nakalipas na taon.
Diin ni Santos, isang mahalagang adhikaing tinututukan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ay pagtulong sa mga proyekto ng kasaluku-yang pamahalaan.
“Isinusulong ng INC ang lubos na pagsuporta sa magagandang layunin ng pamahalaan. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang paninira at mga negatibong gawain, minarapat ng Iglesia na paglaanan ng karampatang amba ang mga bagay na makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa. Kaya naman lubos nating pinalalawig ang sakop ng Lingap, at hindi kailan tayo umaasa sa anumang tulong pampubliko o galing man sa pribadong sektor para maging matagumpay ang pagtulong natin sa mamamayang Pilipino. Wala tayong pinipili sa pagtulong,” pagtatapos ni Santos.
HATAW News Team