NAGULANTANG ang lahat mga ‘igan sa napipintong arangkada ng martial law sa bansa. Aba’y sa papalala nga namang problema partikular sa ilegal na droga, sus…tiyak mapipilitang ideklara umano ni Ka Digong ang batas militar, dahil sa layunin nitong lubos na mapangalagaan ang sambayanang Filipino lalong-lalo ang mga kabataan.
‘Ika nga ni Ka Digong, “Walang makapipigil sa akin!” Ngunit mga ‘igan, ang sinambit na ‘yan ay hindi dahil sa mayroong gustong manakop o mayroong insureksiyon, kundi dahil mayroon umano siyang mandato na pangalagaan ang bansa! Oo nga naman ‘igan. Malinaw na malinaw na winika n’yang, “I will declare martial law to preserve my nation… period.”
Astig talaga ang Duterte! Di patitinag, mapa-impeach man siya ng Kongreso. Pero take note mga ‘igan, bagamat hindi kayang hawakan sa leeg ang hudikatura at ang kongreso sa dahilang independiyenteng sangay ng gobyerno, aba’y itutuloy-tuloy pa rin ng mama ang pag-arangkada ng martial law nang walang go-go-signal kung talagang hinihingi ng pagkakataon.
Sa paglala ng ilegal droga, idagdag pa ang nagaganap na kriminalidad at terorismo sa bansa, aba’y kung saka-sakali, mapigilan pa kaya ang martial law ni Ka Digong, na ang tanging hangad ay magandang kapakanan at ang kapakinabangan ng lahat?
Marami ang sumasang-ayon, mayroon din namang sumasalungat. Ngunit ang respeto’y hindi dapat mawala sa mga desisyong nais na ipatupad.
Good luck sa darating na tunay na pagabago!
MTPB ENFORCERS
NAMAMAYAGPAG
Matatandaang pinutol, bago mag-Pasko, ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang lahat ng Operasyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa napapabalitang talamak na korupsiyon sa nasabing Bureau. Pero, anak ng teteng mga igan, umarangkada ang mga tulisan at kotongero sa lansangan ng lungsod ng Maynila!
Aba’y unang pinutakte ng mga animal ang vendors at mga motorista sa Divisoria na hawak ng dating mataas na opisyal ng Manila City Hall. He he he!
Ang akala’y sinibak na ang mga damuho, sus ‘yun pala’y nagpahinga lang!
Ayon sa aking pipit na malupit, namayagpag din ang mga salarin sa mga illegal terminal sa Plaza Lawton, Divisoria, Blumentritt, Tayuman at Quiapo dahil ipinagmamalaki ni alyas “K” na ok na uli sila ni Mayor Erap! Sus ginoo ka oo! Diin ng aking Pipit na malupit mga igan, dati raw ang naka-parking sa Plaza Lawton ay mga UV Express lang. Aba’y ngayon isang katerbang Bus na biyaheng Cavite, Laguna at Batangas. Bastusan na itong ginagawa ng MTPB sa lungsod ng Maynila partikular kay Mayor Erap!
Mantakin ninyong alam ni Erap na wala na ang mga mahilig Mang-Tongpat na Pulis ng Bayan (MTPB) ‘yun pala palihim na gumagapang ang mga animal!
Paging MMDA Sec. Orbus at Gen. Bato! Mga Sir, kailan po ba ninyo tutuldukan ang illegal terminal sa Plaza Lawton? Sus pakaang-kaang lang ang mga pulis, partikular sa Maynila (Lawton). Matagal na pong problema ang Plaza Lawton na lumilikha ng malaking prehuwisyo sa lungsod ng Maynila, lalo sa mga kabataang-estudyanteng nagagawi rito. Sapagkat, nagkalat din ang masasamang elemento ng lipunan. Nandiyan ang mga holdaper, isnatser, mga durugista at naging istambayan din ng mga batang-grasa.
Paging Mayor Erap, nawa’y maging kaisa kayo sa pagpapaganda at pagpapayapa ng Plaza Lawton.
E-mail Add: [email protected]
Mobile Number: 09055159740
BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani