UMAKYAT na sa tatlo ang bilang ng mga namatay habang 3,000 residente ang apektado ng matinding baha sa Cagayan de Oro City.
Napag-alaman, kabilang sa mga biktima ang isang 14-anyos binatilyo na gumuho ang bahay dahil sa flash floods.
Ang iba pang biktima ay 7-anyos batang babae mula sa Misamis Oriental, at isang 84-anyos lolo mula sa riverside community. Sila ay kapwa nalunod sa baha.
Ayon sa Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDO DRRMC), maaaring mas marami ang namatay kung hindi naabisohan ang mga residente.
Samantala, 1,034 katao pa ang nananatili sa evacuation centers.
Ang mga residente ay pinayagan nang bumalik sa kanilang bahay ngunit ang mga bata at matatanda ay pinaiwan sa evacuation centers.
Habang ang mga estudyanteng na-stranded sa Mindanao State University ay inihatid sa kanilang bahay dakong 7:00 am kahapon.
Ang pagbaha sa nasa-bing lugar ay bunsod ng ulan dulot ng low pressure area at tail-end ng cold front nitong Lunes.