UMABOT sa 195 pulis at non-uniformed personnel (NUP) ang nagpositibo sa isinagawang random drug test (RDT) ng PNP Crime Laboratory.
Ayon kay C/Supt. Aurelio Trampe, Director ng PNP Crime Laboratory, sa nasabing bilang ay 188 ang pulis at pito ang non-uniformed personnel (NUP).
Ito ay mula sa taon 2016 hanggang ika-17 ng Enero, at 100 porsiyento sa kanila ay gumagamit ng shabu.
Sinabi ni Trampe, ipinasa na nila sa PNP IAS ang resulta nito upang maisalang sa summary dismissal proceedings ang mga nagpositibo.
Dagdag ni Supt. Aileen Rigonan ng Operations Management Division ng PNP Crime Laboratory, ang pinakamarami sa mga nagpositibo ay mula sa Region 4A at NCRPO.
Habang pinakamalinis na Police Regional Office ang Cordillera Administrative Region (CAR) na wala ni isang nagpositibo.
Ang pinakamataas na ranggo sa 188 pulis ay police chief inspector o police major.
HATAW News Team