BINAWI ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang panukalang buwisan ang cosmetic products at beauty services.
Ito aniya ang kanyang naging desisyon makaraan sabihin ni Budget Sec. Benjamin Diokno na may pera pa ang gobyerno kaya hindi na kailangan ng karagdagang buwis.
Bukod dito, ang pag-urong niya sa panukalang vanity tax ay dahil sa pag-alma ng maraming sektor.
Aniya, maging ang Ako Bicol party-list ay kinombinsi rin siyang huwag nang ituloy ang vanity tax.
Aniya, kanyang napagtanto sa gitna ng mga batikos, na napakahirap palang buwisan ang kaligayahan ng ibang tao.
Iginiit ng kongresista, naisip niya noon ang vanity tax bilang alternatibo sa dagdag buwis sa produktong petrolyo na aniya’y mas mabigat para sa taongbayan.
Huwag mahihirap
ELITISTA PATAWAN
NG BUWIS — SOLON
INIREKOMENDA ng isang kongresista na targetin ng gobyerno na patawan ng buwis ang mga elitista sa bansa.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi dapat ang mahihirap ang puntirya nang mas mataas na buwis kundi iyong mga napabilang sa Forbes’ 50 pinakamayayaman sa Filipinas.
Pahayag ito ng kongresista kasabay ng planong patawan ng P6 excise tax ang mga produktong petrolyo.
Iginiit ni Casilao, mayayaman ang karaniwang mga tax evader.
Dagdag niya, band aid solution lamang ang planong pataasin ang kita ng gobyerno.