Monday , November 18 2024

Prediksyon ni Nostradamaus sa 2017

SADYANG pinamangha ni Nostradamus ang mga eksperto ukol sa kanyang mga hula, o prediksyon, na sa kabila na siya’y isinilang noong ika-16 na siglo pa’y napatunayang nagkatotoo sa paglipas ng panahon—kaya nga ngayong 2017 ay mayroon ding masasabi ang paham na manghuhula at propeta.

Isang French philosopher si Michel de Nostredame, o Nostradamus, na ayon sa kanyang mga tagasu-nod at taga-hanga ay na-kapagtala ng tiyak na mga hula sa makasaysayang mga kaganapan sa mundo, kabilang na ang 9/11 attack sa Estados Unidos, ang pagsulpot ng diktador na si Adolf Hitler at maging ang presidential victory ni Republican Donald Trump sa US elections kamakailan.

Makaraan ang isang taong hitik sa mga sorpresa at political upset, muling binalikan ng mga naniniwala sa mga isinulat ng paham na si Nostradamus para magkaroon ng sulyap sa maaaring mangyari sa bagong taon ng 2017.

Sa pandaigdigang entablado, inaasahang magsasagawa ng pangahas na mga pagkilos ang China para lunasan ang sinasabing “economic imbalance” sa mundo, na magkakaroon naman ng malawakang epekto sa sangkatauhan, ayon sa mga believer.

Maaaring maharap ang bansang Italya sa kahirapan sa pananalapi sanhi ng pagtaaas ng kawalan ng trabaho at pagtaas ng pagkakautang nito para ikonsidera itong ‘epicenter’ ng bagong eurozone crisis.

Nakatakdang makaranas ang bansa ng kaguluhan sa ekonomiya at lumalalim na krisis sa pagbabanko sa gitna ng resulta sa Italian referendum at ang desisyon ni Matteo Renzina magbitiw bilang punong ministro.

Inaasahan din ang ‘current superpower’ sa mundo, na pinaniniwalaang tumutukoy sa Estados Unidos (US), na maging “increasingly ungovernable” at “incompetent” sa pagsisimula ng panunungkulan ni Ginoong Trump.

Isa pang propesiya ang nagsasabing pagkakaroon ng bagong kasunduan sa pagitan ng Russia at Ukraine, na sasalungatin naman ng US pero sasang-ayunan ng European Union (EU).

Sa Latin America, mababasang lalayo na ang mga pamahalaan sa rehiyon sa mga polisi-yang maka-kaliwa, na magbibigay-daan sa potensiyal na civil unrest sa mamamayan ng mga bansa rito. At sa pinakanakaki-kilabot na prediksyon ni Nostradamus, hinulaan ng paham ang binansagang ‘Hot War’ kaugnay ng global warming at paubos na natural resources ng mundo, na ang pinakamatinding banta ay magmumula sa biological warfare at terorismo.

Kaugnay naman sa teknolohiya, naging propesiya ni Nostradamus ang pagturing sa cloud computing bilang simpleng computing, paglaganap ng solar power at ang pagkakaroon ng commercial space travel gamit ang mga orbital flight na papaimbulog sa kabilugan ng daigdig.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *