Saturday , November 16 2024

Disbarment case vs Roque

011717_FRONT

KASONG disbarment ang isinampa sa Supreme Court laban sa abogadong si Harry Roque dahil sa walang habas na pagkalat ng mga kasinungalingan at malisyosong mga akusasyon, at pag-atake sa integridad at reputasyon ng kanyang kapwa abogado at Kabayan Party-List Representative Ron P. Salo.

Sa kanyang Complaint-Affidavit, idinetalye ni Salo ang ilang pangyayari na gumawa si Roque ng kalunos-lunos at nakasisirang-puring mga alegasyon laban sa kanya.

Kasama rin sa reklamo ang mga abogadong sina  Joel Butuyan, partner sa law office ni Roque, na inulit at inilimbag ang mga nasabing kasinungalingan sa kanyang column sa isang broadsheet; at Rommel Bagares, Chief of Staff, na umano’y pinagkunan ni Roque ng kanyang impormasyon.

Ayon kay Salo, nakatanggap na siya ng ulat ng mga nasabing panlalait sa panahon ng kampanya  para sa May 2016 elections. Hindi niya maintindihan kung ano ang posibleng nag-udyok kay Roque para maglunsad ng mga atake laban sa kanya, lalo’t tinanggap na niya ang walang puknat na pakiusap ni Roque na mapabilang siya sa isa sa mga nominado ng Kabayan Party-List.

SA Affidavits ng kanyang mga testigo, isinalaysay ni Salo na bumanat si  Roque ng mga malisyosong alegasyon na gaya ng: (i) the house and building of Salo’s sister were allegedly constructed through the bribes made by then Rep. Romeo Jalosjos to Salo when he was Undersecretary at the Office of the President to ensure the grant of presidential pardon by then President Gloria Macapagal-Arroyo; (ii) Salo, as preacher and as Chairman of the Bureau of Corrections (BuCor) Love Foundation, allegedly masterminded the entry of illegal drugs, firearms and other contrabands inside the New Bilibid Prison, as well as constructed Colangco’s recording studio; and (iii) Salo was allegedly indicted with plunder by the Department of Justice and was issued warrant of arrest.

Idinagdag ng mga testigo na humantong si Roque sa paghabi ng mga personal na alegasyon hinggil sa buhay mag-asawa, na nagdulot ng emosyonal na sakit sa kanya at sa kanyang asawa.

Sinabi ni Salo, walang pagsasakdal at sapat na ang warrant of arrest.

“Obviously, these lies and malicious accusations were spread by Roque just to destroy my reputation and to discredit me from the members of Kabayan Partylist,” ani Salo.

Inulit ni Roque, ang mga kabulaanan sa harap ng madla at indibidwal, kabilang sina Sen. Panfilo Lacson at Kabayan Party-List Spiritual Adviser and Spokesperson Pastor Cesar R. Pabuayon.

“Roque sought audience from Sen. Lacson and Pastor Pabuayon just to tell these lies, and perhaps to blackmail me. It is just so unfortunate that such false allegations would come from my fellow Representative of Kabayan Partylist,” dagdag ni Salo.

Imbes gantihan ang mga malisyosong alegasyon ng mga alegasyon din, mas pinili ni Salo na magsampa ng disbarment laban kay Roque upang matigil sa pagpapakalat ng mga kabulaanan.

Sa isang banda, binanggit ni Butuyan, ang mga maling alegasyon laban kay Salo sa kanyang kolum noong 18 Disyembre 2016 para sa  Philippine Daily Inquirer. Gumawa rin siya ng parunggit sa employment history ni Salo na malinaw na naglalayong mabatikan ang kanyang integridad.

Binigyang diin ni Salo na ang mga maling akusasyon na may malisya at may intensiyong sirain ang kanyang karangalan at integridad ay paglabag sa Code of Professional Responsibility. Ang mga lawyer, alinsunod sa Code, ay kailangang itaguyod ang pinakamataas na antas ng professionalism at ethical responsibility para sa kanilang clients, sa courts, bar, at sa publiko.

Tinuran din niya ang iba’t ibang desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay diin na ang lawyer ay kailangang obserbahan ang proper decorum sa lahat ng oras, maging sa publiko o pribadong pamumuhay, kumilos na tugma sa isang officer ng korte, na kagalang-galang, matatag at disente.

Binigyan diin din ni Salo na si Roque, bilang law professor at nagsasabing expert ay dapat kumilos nang disente at may katapatan, at batid ang legal na implikasyon ng kanyang mga sinasabi. Ngunit nabigo si Roque na tugunan ang pamantayan na itinakda ng Canon law

Ayon kay Salo, “Evidently, Atty. Roque’s expertise is to weave lies, twist facts, sow intrigues, insinuate illegality, and ultimately, destroy a person’s reputation – certainly the attributes of a morally debased person and certainly not befitting an officer of the court. Indeed, the lies that Atty. Roque has concocted and has spread are just too many and deplorable that any moment longer of his stay in the bar is not just a disgrace, but an insult, to the men and women who strive to live according to the tenets of their oath as lawyers.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *