Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-inang Sylvia at Arjo, ‘hayup’ sa galing umarte

SA halip na mag-reply through text ay tinawagan kami mismo ng balik-trabahong si Sylvia Sanchez (taon-taon kasi ay nagbabakasyon silang magpapamilya abroad) makaraang i-congratulate namin sila ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa ipagkakaloob na award sa kanila.

Mismong ang founder na si Norman Llaguno ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) ang naging panauhin namin sa programang Cristy Ferminute who announced the winners sa kauna-unahang pagbibigay-parangal nito sa mga personalidad sa larangan ng print, stage, radio, television, at film.

Si Arjo ang napiling Best Supporting Actor para sa FPJ’s Ang Probinsyano, samantalang Best Actress naman si Ibyang para sa The Greatest.

Dalawa lang ang categories na ito (for TV) sa 60 awards na ang seremonya’y idaraos sa March 1 sa Laguna Bel-Air Science High School sa Sta. Rosa City, Laguna 5:00 p.m..

Isang tuwang-tuwang Sylvia ang kausap namin. Aniya, ”Naku, nakakataba naman ng puso, kami pang mag-ina ang nagwagi! Sana sa aming panalo, eh, matigil na rin ang sinasabi ng iba riyan na kaya raw kami nananalo ng award ni Arjo, eh, dahil nagbabayad kami.”

Sagot namin, ”Ibyang, kung hindi sana kayo magaling ng anak mo, kukuwesitunin ko pa kung bakit nananalo kayo. Kaso, hayup kayong mag-ina!”

Hindi lang iilan ang nariringgan namin ng sobra-sobrang papuri sa pagganap ni Arjo bilang Joaquin, ang kontrabidang pulis sa nasabing teleserye ng ABS-CBN. Samantala, isa nang “given” ang pagiging isang mahusay na aktres ni Sylvia.

Ipinagbigay-alam namin ang pagkakaloob ng award kay Arjo sa kanyang handler (Nenette Demillo), pero dahil Miyerkoles ang event at may taping ay ihihingi niya ng permiso mula sa direktor kung maaaring pumuslit ito sandali.

So there.

( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …