Saturday , November 16 2024

Govs ila-lockdown din sa Palasyo (Pagkatapos ng mayors)

011617_FRONT
DAVAO CITY – Ang mga gobernador sa buong Filipinas ang susunod na pupupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ipaalala sa kanila ang tungkulin na labanan ang illegal drugs sa kanilang mga lalawigan.

Sa kanyang talumpati sa Installation of Board of Trustees and Officers ng Davao City Chamber of Commerce and Industry Inc. (DCCCII) kamakalawa ng gabi sa Marco Polo Hotel, sinabi ng Pangulo, ipatatawag niya ang mga gobernador sa isang pulong sa Palasyo sa susunod na linggo para ikintal sa kanilang isipan na saklaw ng kanilang kapangyarihan ang pagkastigo sa mga alkalde at barangay chairman na sabit sa operasyon ng illegal drugs.

“I’d be calling the governors next week. Sabihin ko talaga sa kanila. You tell your barangay captains, may supervisory powers kayo and ‘yung mga cities under you, ‘yung hindi pa charter cities, you tell the mayors, reiterated to them. But I would like to tell you, hindi ko kaya lektyuran lahat ng ano…” ayon sa Pangulo.

Sinabi ng Pangulo, bibigyan-diin niya sa mga gobernador na seryoso ang kanyang administrasyon sa isinusulong na drug war at handa siyang gawin ang iba’t ibang paraan upang ‘maglaho’ sa mundo ang sino mang sangkot dito, lalo ang opisyal ng gobyerno.

“Huwag kagyud magkumpiyansa sa akin, p***** i**, papatayin talaga kita. Believe me. Hahanapan kita ng ambush, lasunin kita, o…” sabi niya.

Inamin ng Pangulo, nang ipinatawag niya ang mga alkalde sa buong bansa noong nakaraang linggo ay mistula niyang ‘ikinulong’ sa Malacañang, minura at sinermonan kaugnay sa pagkakasangkot ng ilan sa kanila sa illegal drugs at ipinakita ang makapal na narco-list na nakalagay ang pangalan ng ilan sa kanila.

“Baka akala ninyo nagbobolahan tayo rito. I called the mayors in the Philippines, ini-lockdown ko. Kung sabihin ko sa inyo, ‘i-lockdown din dito. Sarahan mo ‘yan diyan mga sundalo… Para walang magtsismis. Sinabi ko talaga sa kanila, totoo iyon and I said, pardon my language because very may mga…’P**** i** ninyo!’ Nandito ‘yung.This is the drug industry of the Philippines. Dito, pulis, barangay captain, mayors, a few governors. Ito na. Lahat ito listahan. Itong mga pictures nila,” aniya.

Muli niyang isinatinig ang labis na poot at pagkadesmaya kay retired police general at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot na ang trabaho bilang militar noon at alkalde ngayon ay bigyan proteksiyon ang sambayanang Filipino pero pasimuno sa illegal drugs operations sa bansa.

“And Loot was there, itong g*** na ito, General Loot. Sabi ko…Alam mo ang masakit sa akin, lahat ng tao, tayo, I am thinking that you’ll protect the people. Here is a guy, military man ito, kasi PC noon e,” aniya.

Muling tiniyak ng Pangulo na hindi niya iaatras hanggang hindi nagtatagumpay sa drug war kahit magbalak pa ang ilang grupo na pabagsakin siya.

“Wala akong…Hindi ako aatras dito. If it causes my downfall, so be it. If I am ousted, I’d glad to go out. Coup d’état? Fine. Let’s have a change of [inaudible] Pero hindi ako aatras dito. Tatapusin ko ito to the very last day. If it takes me six years, then six years, will be it,” giit niya.

Napaulat na bago nagsimula ang meeting ni Duterte noong nakaraang linggo sa 1,400 mayor na hinati sa dalawang batch ay ipinaiwan sa mga alkalde ang kanilang mga gadget.

Maging si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ay dumaan din sa nasabing proseso at walang kibo habang naglilitanya si Duterte nang halos isang oras laban sa illegal drugs.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *