Saturday , November 16 2024
dead gun police

Tserman utas sa 4 maskarado (Pangulo ng homeowners association)

PATAY ang isang barangay chairman na bagong halal na pangulo ng homeowners association, makaraan pasukin sa kanyang opisina at pagbabarilin ng apat hindi nakilalang mga suspek sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of Lourdes Hospital si  Onofre Delos Santos, 58, ng 714 General Luis St., Brgy. 166, Kaybiga, presidente ng Vista Verde Homeowners Association.

Sa ulat ni PO1 Divine Grace Rola, dakong 3:00 pm kasama ng biktima ang mga kaibigang sina Zaldy Fernandez, Manny Igliane at Marcelo Lao sa kanyang opisina sa Vista Verde nang dumating ang apat armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng maskara at pinagbabaril si Delos Santos.

Pagkaraan, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo tangay ang clutch bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa nabatid na halaga ng koleksiyon mula sa mga kasapi ng homeowners assocation.

Sa nakapalap na impormasyon ng pulisya, sinasabing kabilang ang biktima sa listahan ng pulisya kaugnay sa hinihinalang protektor ng illegal drugs.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *