Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selina at Lalen, ikalawang pamilya ang Lhuillier family

MASAYA ang mag-partner na sina Selina Sevilla at Lalen Calayan sa ilang araw na pamamalagi nila sa Manila na rito nag-Pasko.

Ayon sa dalawa, masayang-masaya sila dahil muli nilang nakadaupang palad ang ilan sa mga mahal nilang mga kaibigan mula sa press kaya naman, may plano ang dalawa na iimbitahin ang mga ito sa Cebu sa kanilang nalalapit na Calayan Medical Group event.

Nagbigay ang mag-’agum’ ng kaunting salo-salo sa North Park at masayang ibinalita na nakahanap na sila ng kanilang ikalawang tahanan, at ito ang Cebu na tanggap na tanggap sila ng mga Cebuano. Katunayan, dinarayo ang kanilang Calayan Medical Group na matatagpuan sa 2nd floor Oakridge Business Park, 880 Fortuna Street, Banilad, Mandaue City.

Inamin ng dalawa na ang kanilang homebase ngayon ay ang Cebu City at napatunayan nila ang kasabihan sa Ingles na, ”Family is not all about blood. There are people who want you to be in theirs. Sticking to each other is what makes it a family.”

Inamin din ng dalawa na hindi lamang ikalawang tahanan ang kanilang natagpuan kundi pati ikalawang pamilya at ito ang pamilyang Lhuillier na sina Mr. and Mrs.Michael at Amparito Lhullier ng Lhuillier Business Group.

Ngayong 2017 ay ipagdiriwang nila ang ikalawang anibersaryo ng Calayan Medical Group at marami silang nakaplanong gawin. Isa sa mga plano ang pagbubukas ng ibang sangay at isa rin kanilang gagawing sangay sa Davao City.

STARNEWS UPLAOD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …