DAVAO CITY – Bibisita si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Madame Akie Abe sa bahay ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa siyudad bukas ng tang-hali o sa ikalawang araw ng kanilang official visit sa bansa.
Si Abe ang kauna-una-hang panauhing world leader ng administrasyong Duterte at una rin bisita sa tahanan ng Punong Eheku-tibo at ang okasyon ay klasipikado bilang pribado o walang media coverage at tanging presidential close-in photographer, writers at cameramen ang papasukin.
Darating ngayon sa Filipinas si Abe para sa dalawang araw na official visit na magsisimula sa pulong nila ni Pangulong Duterte sa Palasyo, paglalabas ng kanilang joint statement, signing of agreements, expanded meeting with Japan and Philippine business delegates at state dinner.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito’y hindi pa tapos ang pulong na magpapasya kung sa bahay ni Elizabeth Zimmerman, unang asawa ni Pa-ngulong Duterte, o sa tahanan ni Honeylet Avancena, common-law wife ng Punong Ehekutibo, bibisita si Abe.
(ROSE NOVENARIO)